G9 - Araling Panlipunan Quarter 3
Ang makroekonomiks ay nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya. Kung ang maykroekonomiks ay nakatuon sa desisyon ng bawat pamilya at bahay-kalakal, ang makroekonomiks naman ay nakasentro sa komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya. Matututuhan mo sa makroekonomiks ang mga konseptong may kinalaman sa implasyon, patakarang piskal, patakaran sa pananalapi, pambansang badyet, at pagsulong ng ekonomiya. Naitanong mo ba sa sarili mo kung papaano gumagana ang pambansang ekonomiya? Kung hindi pa samahan mo akong tuklasin kung papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Sa Online Class na ito ay matutuklasan ang bumubuo sa pambansang ekonomiya, mga suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang mga ito tungo sa pag-unlad. Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin kung papaano kumikilos ang mga sektor na bumubuo dito.