Grade 10 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang Markahan: Ang Moral na Pagkatao copy 6
DESKRIPSIYON NG ASIGNATURA
Ang Kursong Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ay naglalayong maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkabuo ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral at pagpapasya , at kumikilos nang may preperensiya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensiya ng kapaligiran.
Ang Kurso ay binubuo ng 16 (labing-anim) na mga modyul na ibinahagi sa apat na markahan. Kinapapalooban ang mga modyul ng iba't ibang gawaing dinisenyo sa paraang mas madaling magagawa ng mga bata kahit sila ay wala sa paaralan. Ang presentasyon ng bawat aralin ay idinisenyo rin sa paraang kayang maunawaan ng mga mag-aaral kahit pa minimal ang superbisyon ng guro.
Ang Unang Markahan: Ang Moral na Pagkatao ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin :
Modyul 4: Ang Dignidad