G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaapat na Markahan: Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal - Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay
Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanap-buhay na magiging kapakipakinabang sa kanya at sa lipunan, sa mga karapatang pantao, mga tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Ikaapat na Markahan: Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal - Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay ay naglalayong ipaunawa sa iyo ang kahalagahan ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal - bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng paggawa.