G1 - MAPEH Q1
MUSIC
Ipinakikilala sa kurso na ito ang elemento ng ritmo o rhythm. Layunin ng kursong ito ang maipakita o makilala ninyo bilang mag-aaral ang pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.
1. Distinction Between Sound and Silence
2. Steady Beats
3. Simple Rhythmic Patter
4. Ostinato
ARTS
Ipinakikilala sa kurso na ito ang elemento ng sining. Layunin ng kursong ito ang maipakita o makilala mo bilang mag-aaral ang pangunahing pag-unawa sa linya, hugis, kulay at tekstura sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.
1. Ang Arts Ay Nasa Paligid Ko
2. Magkasamang Pagguhit Ng Magkakaibang Tao
3. Mga Hayop at Halaman sa Pilipinas
PHYSICAL EDUCATION
Ang modyul na ito ay naglalayong makaambag ng mahahalagang kaalaman at kasanayan na magsisilbing iyong gabay upang makamtan ang malakas at ligtas na pangangatawan.Kumakatawan sa yunit na ito ang kamalayan sa ating katawan.Ang ating katawan ay makabubuo ng iba’t ibang hugis at makababalanse gamit ang isa hanggang limang bahagi ng katawan.Ang pagsasagawa ng mga pisikal na gawain tulad ng sayaw at pagbabalanse ay nakakapagdulot ng kasiyahan sa pageehersisyo.
1. Ang aking Katawan
2. Pagbalanse sa Katawan
3. Paglilipat ng Bigat sa ibang bahagi ng katawan.
HEALTH
Ang pagkain na ating kinakain ay maaring masustansiya o hindi masustansiya. Ang nakatatanda ang may kakayahang magturo o maging gabay ng mga bata upang kumain ng masustansiyang pagkain at limitahan ang pagkain ng hindi masustansiya. Ang magulang at ang mga bata kailangan mapa-alalahanan na kailangang basahin ang nakalagay na food label ng mabuti para masuri ang nutrisyon, ingredients, at calories. Ilan sa mga pagkain katulad ng junk foods ay maraming asukal at mataas ang calories nito. Ang iba naman ay maalat at mamantika na kailangan iwasan.
Ang mga bata ay kailangan ng tamang nutrisyon na nagmumula sa pagkain upang lumaki at mabuo ng normal ang pangangatawan. Mayroong naayon na nutritional guidelines para sa mga bata. Marami sa mga bata ang naakit sa mga palabas na nakikita sa telebisyon katulad ng instant noodles at milktea na matatamis at maaring makaapekto sa kanilang pagpili ng pagkain.
Aralin 1: Masustansya at Hindi Masustansyang Pagkain
Aralin 2: Kahinatnan ng Pagkain ng Hindi Masustansyang Pagkain
Aralin 3: Naisagawa ang mga Gawain Tungo sa Kalusugan