G5 - Music Arts PE Health Quarter 1 copy 1 copy 12
Ang kursong ito ay nakalaan para sa mga bata nasa baitang lima (Grade 5). Nilalayon ng kurso na ito na bigyang kalinawan ang mga bata patungkol sa MAPEH (Music, Arts, Physical Education, and Health)
Musika (Music) - Ang musika ng ikalimang baitang ay naglalayong mapag-aralan ang ritmo na naka pokus sa pag-unawa ng konseptong haba ng nota at pahinga sa loob ng simpleng time signature at pagkilala sa mga nota at pahinga na ginamit sa awitin, nakita at napakinggan.
Sining (ARTS) - Ang layunin ng arts sa ikalimang baitang ay tulungan ang mga mag-aaral na gumamit ng masining at likas na katangian ng pandama upang masalamin ang halaga ng kultura, paniniwala at pagkakakilanlan na mgagamit sa pang-araw-araw na sitwasyon sa buhay;
Edukasyong Pangkatawan (Physical Education) - Ang layunin ng aralin na ito ay maging aktibo at physically fit ang pangangatawan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalaro ng target games at paggawa ng pang-araw-araw na gawain sa tahanan.
PANGKALUSUGAN(HEALTH) - Ang health ng ikalimang baitang ay naglalayong mapag-aralan ang tungkol sa Mental, Emosyonal at sosyal na Kalusugan, malusog at hindi malusog na relasyon at mga iba’t ibang kasanayan sa pag- iwas sa mga panunukso, pang bubully at pang- aabuso.