G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaapat na Markahan: Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal - Bokasyonal, Sining, Isports, Negosyo o Hanapbuhay copy 10
Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanap-buhay na magiging kapakipakinabang sa kanya at sa lipunan, sa mga karapatang pantao, mga tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Ikaapat na Markahan: Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong Akademiko o Teknikal - Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay ay naglalayong ipaunawa sa iyo ang kahalagahan ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal - bokasyonal o negosyo bilang tugon sa hamon ng paggawa.
G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan: Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa copy 15
Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanap-buhay na magiging kapakipakinabang sa kanya at sa lipunan, sa mga karapatang pantao, mga tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Ikatlong Markahan: Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa ay umiikot sa paglinang ng mga birtud at pagpapahalaga ng paggawa na nagbibigay ng kaayusan sa mga anumang bagay na naising likhain ng tao sa pamamagitan ng kanyang lakas at isip.
G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang Markahan: Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan copy 18
Ang kursong Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, sa mga karapatang pantao at tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Ikalawang Markahan: Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan ay tumatalakay sa malaking papel na ginagampanan ng tao sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa lipunan.
Grade 10 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang Markahan: Ang Moral na Pagkatao copy 6 copy 6
DESKRIPSIYON NG ASIGNATURA
Ang Kursong Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ay naglalayong maipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkabuo ng tao, makataong kilos, pagpapahalagang moral at mga isyung moral at pagpapasya , at kumikilos nang may preperensiya sa kabutihan upang maging matatag sa gitna ng mga isyung moral at impluwensiya ng kapaligiran.
Ang Kurso ay binubuo ng 16 (labing-anim) na mga modyul na ibinahagi sa apat na markahan. Kinapapalooban ang mga modyul ng iba't ibang gawaing dinisenyo sa paraang mas madaling magagawa ng mga bata kahit sila ay wala sa paaralan. Ang presentasyon ng bawat aralin ay idinisenyo rin sa paraang kayang maunawaan ng mga mag-aaral kahit pa minimal ang superbisyon ng guro.
Ang Unang Markahan: Ang Moral na Pagkatao ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin :
Modyul 4: Ang Dignidad
G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang Markahan: Ang Papel ng Lipunan sa Tao copy 8
Ang kursong Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, sa mga karapatang pantao at tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Unang Markahan: Ang Papel ng Lipunan sa Tao, ay naglalaman ng mga gawain at aralin na tungkol sa layunin ng lipunan at ano ang kahalagahan nito sa pag – unlad ng tao.