G2 - MAPEH Q1
Ang kurso na ito ay nakalaan para sa mga bata na nasa baitang dalawa (Grade 2). Nilalayon nang kurso na ito na bigyan kalinawan ang mga bata patungkol sa MAPEH (Music, Arts, Physical Education, Health).
- Musika (Music) - Ang layunin ng Musika sa Ikalawang baitang ay nagpapakita ng kaunawaan sa pangunahing proseso ng kaalaman sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig at pagmamasid ng mga mag-aaral.
- Sining (Arts) - Ang Sining ay nagbibigay kaalaman, kasanayan, talino at kahalagahan. Ito ay kailangan para maipahayag ninyo at makatulong kayong mapaunlad ang ating sariling kultura. Dito matuto kayong maipakita ang inyong imahinasyon at saloobin.
- Edukasyong Pangkatawan (Physical Education) - Ito ay binuo upang mapangasiwaan ninyo ang inyong sariling katawan. Dito ay hinikaya’t kayong kumilos na na naayon sa konsepto dahil ang bawa’t galaw natin ay may layunin na isusulong para sa inyong tamang pangangatawan at kalusugan.
- Edukayong Pangkalusugan (Health) - Ang layunin nito sa Ikalawang Baitang ay nagbibigay ng kaalaman upang mapadali ang pag-unlad ang isang malusog na gawi at kasanayan upang makamit ang malusog na kaisipan at katawan