G3 - MAPEH Q1

G3 - MAPEH Q1


       Ang MAPEH 3 ay binubuo ng Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Edukasyong Pangkalusugan.

       Musika at Sining, matututunan ng mag-aaral ang iba't-ibang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng simple at pundamental na proseso ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid,  pagtugon at pagbuo ng likhang-sining at musika. 

       Edukasyong Pangkatawan, sa bahaging ito, maipapamalas ng bawat mag-aaral ang pag-unawa sa kamalayan ng katawan, kamalayan sa puwang, mga katangian sa pagsisikap at pagkilos sa pamamagitan ng pakikilahok sa kasiya-siyang mga pisikal na aktibidad.

       Edukasyong Pangkalusugan, maipapakita ng bawat mag-aaral ang pag-unawa at kaalaman sa mga sumusunod: nutrisyon; pag-iwas at pagkontrol ng sakit at karamdaman; kalusugan ng mamimili, komunidad at kapaligiran; at mga salik na tumutulong sa pagpapaunlad ng mga malulusog na gawi.