G9 - Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan: Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa
Ang asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ay naglalayong ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga iba’t ibang konsepto, pagpapahalaga at mga isyung patungkol sa lipunan, paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanap-buhay na magiging kapakipakinabang sa kanya at sa lipunan, sa mga karapatang pantao, mga tungkulin at maging sa sektor ng paggawa. Ang Ikatlong Markahan: Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa ay umiikot sa paglinang ng mga birtud at pagpapahalaga ng paggawa na nagbibigay ng kaayusan sa mga anumang bagay na naising likhain ng tao sa pamamagitan ng kanyang lakas at isip.