Pagbibigay ng Kahulugan at Sariling Interpretasyon sa mga Salitang Paulit-ulit, Mga Salitang Iba- ibang Digri o Antas ng Kahulugan
CHER ABEGAIL ESCOVER

Pagbibigay ng Kahulugan at Sariling Interpretasyon sa mga Salitang Paulit-ulit, Mga Salitang Iba- ibang Digri o Antas ng Kahulugan

Tatalakayin sa panitikang Bisaya ang maikling kuwentong Miguelito na sinulat ni Sharon A. Villaverde. Sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon táyo ngayon. Inaasahang pagkatapos ng araling ito ay makasusulat ka na ng sariling komiks iskit gámit ang hambingan ng salita at iláng pamamaraan na kapaki-pakinabang at angkop sa iyong kakayahan sa túlong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa iyo tungo sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Matapos mong mapag-aralan ang aralín na ito, inaasahang maibibigay mo ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitáng paulit-ulit na ginamit sa akda, mga salitáng iba-iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklino), mga di pamilyar na salita mula sa akda, at mga salitáng nagpapahayag ng damdamin at makasusulat ng isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa.