FILIPINO 1
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon ng naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag ayt maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o libel at kaugnay ng kanilang kultura.